Pag-ibig…..

Pag-ibig…..

Ang pag-ibig ay masarap pakinggan, madama at ipadama. Minsan nilalaro lang ito, yung iba naman ay sineseryoso masyado at ang iba’y kontrolado ito. Maraming kabataan ang napapasailalim na sa maagang pag-rerelasyon. Minsa’y humahantong silang sawing palad dahil sa maling desisyong binibitawan, o kakulangan ng sapat na kaalaman sa liga ng pag-ibig.

Sa panahon ngayon, kung ikaw ay iibig alamin mo muna ang magandang maidudulot nito sa iyo. Hindi yung nagmamadali dahil mahirap ng magsisi sa bandang huli. Gayunman, ang tunay na pag-ibig ay kusang darating sa buhay ng tao sa tamang panahon. At kapag ikaw ay sigurado na sa iyong nadarama, panatilihing balanse ang pagpapairal mo ng utak at puso. Ang utak ay inilagay ng Diyos sa ulo ng tao upang makapagpasya ito ng wasto. Ang puso naman ang nasa ibaba ng utak upang magmahal.

Ngunit, ito’y nagiging mapaglinlang. Sa tuwing magmamahal, unahin ang utak bago ang puso. Isipin na minsa’y mapaglaro ang tadhana. Ang puso din ay natuturuan magmahal kapag ito’y nagigipit. Mas maganda pang tiyak kaysa may pangamba. Sa madaling salita, ang utak ang nag-uutos sa puso kung sino ang dapat mahalin at ang puso naman ang susunod. Kasi kapag puso ang humusga at naumpisahan ng magmahal, di na ito nakikinig sa sinasabi ng utak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.