iStock copyright

Ang Tulang Sa Kanya At Sa Iyo Iniaalay

Ang Tulang Sa Kanya At Sa Iyo Iniaalay

by SayChiz13
I.
Dito sa lupa tayo’y ipinanganak bilang tao,
At dito rin sa lupa tayo’y yayao.
Ngunit kaibigan napagtanto mo ba’ng aking punto?
Na kaligtasa’y nasasaad sa ginawa ni Kristo?
Bakit tayo lalapit sa kapwa natin tao?
At bakit din tayo humihingi ng saklolo,
Sa mga nilalang na hindi naman pinako?
II.
Gumising tayo mga kapatid sa pananampalatayang totoo.
Magsaliksik tayo mga kasama sa kabanalang makatao.
Halika kaibiga’t buklatin ang natatanging makapangyarihang Libro,
Na ang Diyos Ama mismo ang nagpatotoo.
Basahin natin at alamin ang dakilang pangako.
Nawa’y tanggapin ang Salita ng buong puso.
At tayo’y palalaguin ng Banal na Espirito.
III.
Nasaan na ang pangako ng mga palalo?
Dahas pati kapwa tayo’y kanila namang niloloko.
Gayunpaman, patuloy ang panlilinlang ng mga sindikato,
Na hindi kumikilala’t nananampalataya sa totoong Kristo.
Hindi dapat tayo nakatunganga lang at nakanguso,
Sa kamunduhang puno ng mga kampong demonyo.
Sama-sama tayong sa huwad na paniniwala’y lumayao.
IV.
Minamahal, ika’y ‘wag tumakbo sa mga impokrito;
Sila lamang ay mga mapagpanggap na santo.
Suriin mong matapat ang kanilang motibo.
Kapag ito’y hindi napagbulay sa iyon ulo,
Rurok ng tagumpay biglang bulang ito’y lalaho.
Magisip-isip ka minamahal, sa iyong tinatapakang mundo.
Mulatin! Mata’ng lalang ng Diyos kay Kristo.
V.
Naghari-hariang pantas dapat bang sila’y gawin idolo?
Katalinuha’y pinanghahawakan, mga uto-utong tao dito’y tumatakbo.
Ebolusyon daw ang pinagmulan ng kalakhang mundo.
Sandali’t pagbulay-bulayin nating maigi ang masidhing kuro-kuro;
Na ang kalakhang mundo’y ‘di nagmula sa mundo.
Itanong mo’t itanong ko; katotohanan nakatagong simbolo,
Na kay Kristo’y katalinuha’y hindi kailanma’y palalo.
VI.
Kapatid kong may pang-unawang malawak kay Kristo,
Nawa’y ‘wag ipikit ang mata’t idilat sa mundo,
Ika’y may misyong marapat na gawin, sundalo.
Ipalaganap ang Mensaheng Dakila sa krus pinako.
Na ang sinumang tumanggap ay magiging bago.
Ipagmalaki mo, Kristiano’t ipagsigawan ang pinanghahawakang Ginto.
Magpakabihasa’t kumapit ng mahigpit sa Librong Banal.
VII.
Tunay nga ang Diyos ay sadyang nagpapalago,
Ng Kanyang mga sundalong hindi agad patatalo.
At tunay nga ang Diyos ay nagbabago,
Ng mga taong sa Ngalan Niya’y tumatakbo.
Pangakong ililigtas sa mga unos at bagyo,
Itanim hindi sa lupa kundi sa puso,
At pag-ibig Niya’y mararanasan hanggang sa dulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.